Survival Tips: Mga Dapat Tandaan Bago Manonood ng Concert sa Philippine Arena

 


   First time mo ba na manonood ng concert sa Philippine Arena, Bulacan? Ito yung mga survival (char lang) tips bago ka umawra. 


1. Hwag magdala ng malaking bag

  

   Una sa lahat, manonood ka ng concert at hindi maghihiking. Bakit naka knapsack ka pa mi? Small bag lang ante.




   Pero sa bag na yun make sure na meron kang essentials. Wipes, mint, alcohol, hanky, powerbank, I.D. Sa entrance, parang guard lang sa mall ang nagiinspect ng bags. Yung parang magic wand na may detector yung panghalukay nila, itutusok lang sa bag tapos keri na.


   Ibig sabihin, kung gutumin ka o uhawin o sadyang nagtitipid lang, makakapagpasok ka naman ng food basta maitatago mo lang ng maayos. Sorry na lang kung masilip. Bawi next life.

   BTW, mas maigi kung makakapaglusot ka ng water. Kasi yung bottled water sa area, knuconfiscate yung mga takip bago ka pumasok. So parang exposed na yung water mo all throughout the show. Hindi mo naman pwede tunggain na lahat dahil hassle naman mag CR during the show. In fairness, wala naman pila sa mga CR. But still…





2. Magdala ng extra pera


   Ewan ko ba pero pag andun na parang andaming masarap na pagkain. Pag may nakita kang nachos, bibili ka rin. Patay gut*m lang ang peg. At ewan ko lang din bakit sumasabay sa taas ng cravings mo yung presyo ng mga pagkain at inumin. Yung bottled water na maliit ay 20 pesos. Yung Ice Scramble na maliit 49 pesos. Walang tig dalawa sampu din bi. Kaya dala ng pera. Worth it naman lalo na kung food is life ang mantra mo.




3. Magsuot ng kumportableng damit at sapatos

View from Lower Box A


   Kung nasa reserved seats ka, mapipilitan ka rin tumayo during concert kasi magtatayuan din nasa harap mo. Alangan naman maiwan ka nakaupo. Saan ka naman din nakakita ng concert na palakpak palakpak at padyak padyak lang? Syempre need mo mag dance dance ganern.


   Kaya din small bag lang, para pwede mo lang bitbitin kahit nakatayo. Papaka safe lang.


   Ano ba yung pinaka comfortable mong damit? Wag mo yun isuot kasi sigurado laspag na yun. Mag OOTD ka naman kahit papano. Kasi nakakainggit yung mga makikita mong outfit. Sabi nga nila dress for the occasion.


   Pero wag ka na mag heels or mag skirt kung di mo mapapanindigan. Kung dalawang oras yung show, dalawang oras ka din tatayo. Ikaw din. Bukod dun, steep yung stairs ng arena. May nakita nga akong nadapa, buti naka pants naman sya. Sabi nya okay naman daw sya. Naniwala na lang ako kahit narinig kong tumama yung ulo nya sa bakal na handrail. 


   Wag ka na magdala ng extra shirt except kung baskilin ka o magccommute ka pauwi.




4. Magdala ng handheld fan at jacket


   Extreme ba? Yung fan para sa labas ng arena habang nag aantay papasukin. Super init kung lalabas ka ng sasakyan. Ewan ko ba anong meron sa area na yun, parang patikim na yata sa mga makasalanan. Magdala ka rin ng payong kung ayaw mo matusta.




   Yung jacket naman, pag nasa loob na ng arena. Super lakas naman ng aircon habang naghihintay. Hindi ka rin papawisan kahit magsayaw ka nang magsayaw.




5. Wag pumunta ng sobrang aga


   May mga nababasa ako na 7AM pa lang andun na tapos magrereklamo na hinimatay o nainitan. Jusme.


   Okay na maaga kung sa SVIP area ka at gusto mo mauna dun sa pwestong kita mo na ngala ngala nung artist. Pero kung reserved seats naman, saktuhin mo na yung oras. Wag maaga, wag din late.


   Usually 4PM nagsstart magpapasok. Kung manggagaling ka ng Quezon City or mga katabing lugar, keri parin kahit umalis ka ng 2 or 3PM. Sakto lang yung dating mo para makapag awra ka pa. Makakain kapa ng bongga. Anyway, 8PM pa naman yung start ng concert.





   Lahat ng pagppicture gawin mo na before the show para sa uwian, hindi ka matagalan kasi mas mahirap palabas ng parking. Aabutin ka ng madaling araw.




6. Dalhin palagi ang tickets


   Kahit nakapasok ka na at natatakan na sa braso, wag mo parin kakalimutan dalhin ang tickets mo kung magpupunta ng CR o bibili ng food. Nagchecheck parin kasi sila minsan. Siguro para maiwasan yung mga lumilipat ng lugar pag nakitang bakante. Para kasi sa iba, unfair yun. Oops. Issue.


 


7. Ivideo lang yung mga pinaka gusto mong kanta



   Wag ka naman mag video lang buong show ante. Sayang naman yung 20k or 9k mo. Ienjoy mo rin yung performance. Wag mo isipin yung ipopost mo sa fb or yung papanuorin mo ulit to take a trip down memory lane. Ang mahalaga yung moment na yun. Yung makataas ka ng kamay, yung makatalon talon ka, yung makasway sway ka. Kung ang aalalahanin mo lang ay baka mag shake yung recording mo pag gumalaw ka, nag camera man ka na lang sana. Char lang.


   Ang pinaka mahalaga sa lahat, yung mag enjoy ka. Matagal mong inantay yan.




9. Mag ingat pauwi


   Relax lang, wag makikipag unahan. Kung sakaling maipit sa traffic, matulog ka na lang. Ganyan talaga ang buhay. Ang mahalaga, busog ang tyan, ang mata, at puso. Eme.







Comments

Popular Posts